Posts

Showing posts from May, 2025

Bumoto Ako at Hindi Ako Nagsisisi

Image
Lumabas ako ng presinto na may tinta sa daliri—simpleng marka, pero sinisimbolo nito ng aking pagmamahal at paninindigan sa Inang Bayan. Tahimik akong ngumiti habang naglalakad palabas ng presinto. Hindi dahil sigurado akong mananalo ang mga ibinoto ko, kundi dahil alam kong ginawa ko ang tama at nararapat. Bumoto ako nang may malinis na konsensya. Hindi ako nadala sa sayaw, sa jingle, o sa pangakong walang laman. Kinilala ko, kinilatis, at inalam ko ang bawat plataporma. Tinimbang ko kung makatutulong ba sila o makasasama, kung may nagawa ba o wala. Hindi ko pinili ang madaling paraan, kundi ang magmasid at mag-isip ng mas malalim. Alam ko na sa bawat hakbang, hindi lang ang mga salita ang dapat pakinggan, kundi ang mga konkretong aksyon at mga resulta. Bumoto ako para sa kinabukasan, hindi lamang para sa aking sarili kundi para rin sa kanila. Ang boto ko ay para sa mga kabataang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral, sa mga magsasakang inagawan ng lupa na pamana pa ng kanilan...

Paano Iingatan Ang Balota sa Araw ng Botohan?

Image
Bagamat ay nasa papel, ito ay may malakas na tinig. Daig pa ang baril at walang tumbas ng  pera,  ang isang tinta sa balota na siyang tunay na sandata ng isang mamamayan sa pagbabago. Sa araw ng halalan, ang boto mo ay siyang tinig mo. At ang tinig na iyan, kapag napinsala, ay kaakibat ng kawalan nito sa bilang. Kapag ang balota mo’y nabura, nasira, o nagamit nang mali; ang kinabukasan mo’y tahimik na inalisan ng saysay. Kaya sa gitna ng tensyon, ingay, at maduming pamumulitika, manindigan ka. Protektahan mo ang iyong balota. Dahil sa likod ng bawat paglilim sa isang parihaba, may kinabukasang nakataya. Kinabukasan para sa iyo, sa pamilya mo, at sa bansang ito. Narito Ang Mga Paraan Para Protektahan ang Balota: 1. Basahing mabuti ang mga tagubilin sa balota. Bago markahan ang balota, unawain muna ang tamang paraan ng pagboto. Bawat posisyon ay may limitadong bilang ng kandidatong maaaring piliin. Iwasan ang over-voting o pagpili ng higit sa dapat. 2. Gumamit lamang ng opisyal ...

Bumoto nang Matalino, Pumili nang Matalino

Image
  Habang papalapit ang araw ng halalan, napakahalaga ng ating papel bilang mga botante.  Ang bawat boto ay isang malakas na tinig na may kakayahang hubugin ang kinabukasan ng ating bansa.  Hindi ito basta pagpili lamang; ito ay isang responsibilidad na dapat nating harapin nang may kaalaman at pag-iingat. Ang mga halal na pinuno ang magiging gabay ng bansa, na gagawa ng mga desisyon sa mga isyu mula sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan hanggang sa trabaho at karapatang pantao. Mga Dapat Isaalang-alang Bago Bumoto: Kilalanin ang mga Kandidato:  Maglaan ng panahon upang maunawaan ang mga plataporma at ang mga nakaraang karanasan ng bawat kandidato.  Magsaliksik sa mga maaasahang pinagkukunan ng impormasyon, tulad ng mga debate, ulat ng balita, at mga independiyenteng pagsusuri.  Huwag magtiwala lamang sa mga naririnig o nababasa sa social media na walang sapat na pagpapatunay. Suriin ang kanilang mga Paninindigan:  Bigyang-pansin ang mga paninind...

Mga Hakbang Pagboto: Alam Mo Bo 'to?

Image
Ang pagboto ay isang pundamental na karapatan at responsibilidad ng bawat mamamayan sa isang demokratikong lipunan.  Ang paggamit nito nang may kaalaman at pananagutan ay mahalaga sa pagtataguyod ng isang maayos at matatag na pamahalaan.  Ang gabay na ito ay naglalayong magbigay ng malinaw at detalyadong impormasyon upang matiyak ang isang matalinong pagboto. Bago ang Araw ng Halalan: Una, kailangang tiyakin ang inyong pagpaparehistro bilang botante.  Kung hindi pa kayo nakarehistro, makipag-ugnayan sa Komisyon sa Eleksyon (COMELEC) upang malaman ang mga kinakailangang dokumento at proseso.  Pagkatapos nito, alamin ang inyong itinalagang presinto at ang eksaktong lokasyon nito upang maiwasan ang anumang pagkaantala sa araw ng halalan.  Ang impormasyong ito ay makikita sa inyong Voter's ID o maaaring makuha sa website ng COMELEC.  Maglaan ng sapat na panahon upang maunawaan ang mga plataporma at naging karanasan ng bawat kandidato.  Magsaliksik sa mga p...

Pangalan o Prinsipyo: Isang Mapaghamong Pagpili

Image
  Pangalan o prinsipyo?   Yan ang mahirap na tanong na haharapin natin sa darating na eleksyon.  Madali lang piliin ang pamilyar na pangalan, pero sapat na ba 'yun?  O dapat ba nating unawain muna ang tunay na kakayahan at layunin ng bawat kandidato?  Ang pagpili ay nasa atin, at ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay dito. Sa pagitan ng pangalan at prinsipyo, isang mapaghamong pagpili ang naghihintay sa atin.  Fake news, vote-buying, at ang laganap na disimpormasyon – lahat ito ay nagpapahirap sa pagbuo ng isang maalam na desisyon. Paano nga ba natin matitiyak na ang ating boto ay para sa tamang tao, para sa tunay na pagbabago? Para matiyak na ang ating boto ay para sa tamang tao at sa tunay na pagbabago dapat nating: Suriing mabuti ang mga plataporma ng mga kandidato:   Huwag magpapadala sa mga pangako lamang kundi alamin kung ano ang kanilang mga konkretong plano at kung may kakayahan silang isakatuparan ang mga ito. Pag-aralan ang kanilang trac...

Totoong Pagboto, Totoong Pagbabago

Image
Habang papalapit ang eleksyon sa Mayo 2025, unti-unti nating nararamdaman ang pag-init ng pulitika sa bansa—naglalabasan na ang mga pangalan ng mga kandidatong nais maglingkod, kanya-kanyang pangako, kanya-kanyang plataporma. Pero sa kabila ng lahat ng ito, mahalagang balikan natin ang pinaka-ugat ng prosesong ito: tayo, ang mga botante. Tayo ang may tunay na kapangyarihan sa kamay natin, at ang boto natin ang pinakamalinaw na paraan para gamitin ito. Hindi lang ito basta papel na itinatapon sa kahon—ito ay simbolo ng ating boses, ng ating pananaw, ng ating pangarap para sa isang mas maayos na Pilipinas. Sabi nga, “Totoo ang boto, totoo ang pagbabago.” Pero hindi mangyayari ang pagbabago kung hindi natin siseryosohin ang ating papel sa eleksyon. Hindi sapat na bumoto lang dahil uso o dahil napilitan, o dahil may kakilala tayong tumatakbo. Kailangang bumoto, dahil tayo ay may paninindigan.  Kailangang alam natin kung sino ang binoboto natin, kung ano ang kanilang track record , ku...

Kahalagahan ng Pagboto ng Tamang "Partylist Representative" Ngayong Halalan

Image
  Isa sa mga madalas na hindi napapansin ngunit may malaking gampanin at papel sa Kongreso ay ang mga “partylist representatives.” Maraming botante ang nalilito kung ano nga ba ang partylist at kung bakit mahalaga itong bahagi ng ating balota. Panahon na upang bigyan natin ito ng masusing pansin, lalo na ngayong paparating na halalan. Ano ang Partylist Representative? Ang partylist representative ay kinatawan ng mga sektor na kadalasang hindi nabibigyan ng sapat na boses sa pamahalaan —– tulad ng mga manggagawa, kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, senior citizen, at iba pa. Sila ay iniluluklok sa House of Representatives sa pamamagitan ng “party-list system,” na isang mekanismo sa ilalim ng Konstitusyon ng Pilipinas na naglalayong isulong ang representasyon ng “marginalized” at “underrepresented sectors.” Ang kanilang pangunahing tungkulin ay magsabatas ng mga panukalang magtataguyod sa kapakanan ng sektor na kanilang kinakatawan. Gayundin, may kapangyarihan silang mag-im...

Iwas "Budol" sa Panahon ng Eleksyon

Image
  Ngayong darating na eleksyon, hindi lang boto ang nakataya, kundi ang kinabukasan ng buong bansa. Ngunit sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring umiikot ang samu’t saring “budol” na layong linlangin ang mga botante. Mula sa mga mapanlinlang na pangako hanggang sa pekeng impormasyon, marami ang nahuhulog sa bitag ng mga pulitikong bihasa sa pananalita ngunit kulang sa gawa. Ngayong halalan, panahon na para maging mas mapanuri, mas matalino, at mas responsable. Narito ang gabay upang makaiwas sa eleksyong puno ng panloloko. Mga Karaniwang “Budol” tuwing Eleksyon 1. Pangakong Suntok sa Buwan “Walang mahirap sa loob ng anim na buwan.” “Libreng edukasyon, trabaho, at bahay para sa lahat.” Maganda sa pandinig, ngunit totoo ba? Maraming kandidato ang sanay magbigay ng pangakong halos imposible — pangakong walang malinaw na plano kung paano ito isasakatuparan. 2. Vote Buying o Pamimili ng Boto Hindi na bago ang pamimigay ng pera, groceries, load, o relief goods kapalit ng boto. Ka...

Integridad at Prinsipyo — Mahalagang Taglay sa Pagboto

Image
Sa bawat halalan, ang boto ng isang mamamayang Pilipino ay hindi lamang simpleng pagpili sa pangalan sa balota—ito ay pagpapahayag ng kanyang pananaw, adhikain, at pag-asa para sa kinabukasan. Kaya naman, mahalagang taglayin ng bawat botante ang dalawang haliging moral na gabay sa pagpili ng pinuno: integridad at prinsipyo. Ano ang ibig sabihin ng integridad at prinsipyo? Ang integridad ay ang pagiging tapat sa salita at gawa. Isa itong katangian ng isang tao na hindi basta-basta natitinag ng tukso, impluwensiya, o pansariling interes. Ang taong may integridad ay hindi bumoboto base sa kapalit, kundi base sa konsensiya at katotohanan. Samantala, ang prinsipyo ay ang paninindigan sa tama. Ito ang pundasyong moral na ginagamit natin sa bawat desisyong ginagawa — kung ano ang makatarungan, makatao, at makabayan. Ang prinsipyo ang nagsisilbing gabay ng isang tao kung paano mamuhay at makisangkot sa lipunan. Bakit mahalaga ang integridad at prinsipyo ng isang Pilipino sa darating na boto...

Halaga ng Plataporma Pagdating sa Eleksyon

Image
Pangako o Plataporma? Bakit Mahalaga ang Pag-unawa sa Plataporma ng Kandidato sa Halalan Tuwing panahon ng halalan sa Pilipinas, tila paligsahan ng matatamis na salita at magagarang ads ang nagiging labanan ng mga kandidato. Marami ang nangangako ng libreng serbisyo, ayuda, pabahay, at iba pa. Ngunit,sa dami ng salitang binitiwan, alin nga ba ang may saysay sa dulo? Pangako vs. Plataporma Pangako ay tumutukoy sa mga pahayag na madalas maririnig sa kampanya na karaniwang ay pawang “pakulo” upang makuha ang simpatiya ng masa. Ngunit kadalasan, ito’y kulang sa detalye. Detalye kung paano ito ipatutupad? Detalye kung ay pondo ba? Detalye kung may batas ba itong sandigan? Samantalang, ang plataporma ay isang malinaw, detalyado, at pangmatagalang plano ng isang kandidato. Hindi lang ito nakatuon sa isang isyu kundi sumasaklaw sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, trabaho, at marami pang aspeto ng pamahalaan. Kahalagahan ng Plataporma sa Konteksto ng Pilipinas 1. Iwas sa ‘Personality ...

Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Araw ng Eleksyon

Image
  MGA DAPAT GAWIN:   Magdala ng valid na government-issued ID para sa beripikasyon ng iyong pagkakakilanlan.   Alamin nang maaga ang iyong precinct number at lugar ng pagboto.   Ihanda ang listahan ng iyong mga napiling kandidato (kodigo ay pinapayagan basta’t pribado at hindi ipinapakita sa iba).   Sundin nang maayos ang mga tagubilin sa pagshade ng balota — punuin ng itim ang bilog sa tabi ng pangalan ng kandidato.   Bumoto nang maaga upang maiwasan ang siksikan at abala.   Igalang ang mga guro, election officers, at kapwa botante.   Maging mapagmatyag sa anumang kahina-hinalang kilos at i-report agad sa mga opisyal ng COMELEC.   Maging mahinahon at maghintay ng maayos kung kinakailangan. MGA HINDI DAPAT GAWIN:   Magsuot o magdala ng campaign materials tulad ng T-shirt, sumbrero, o anupamang may mukha o pangalan ng kandidato.   Kumuha ng larawan o video ng iyong balota o habang bum...