Posts

Showing posts from April, 2025

Mga Dapat Hanapin sa Isang Kandidato

Image
  1. Integridad Piliin ang kandidatong tapat, bukas sa katotohanan, at may matibay na prinsipyo—kahit walang nakakakita. Ang kandidatong may integridad ay naninindigan sa tama, hindi lamang kapag may nanonood. Mahalaga ang pamumuno na hindi nagbabago kahit sa gitna ng tukso o presyon. 2. Track Record o Nagawa na Suriin ang kanilang nagawa noon. Totoo ba silang naglingkod? Tinupad ba nila ang kanilang mga pangako? Ang nakaraang gawain ng isang kandidato ang nagpapakita kung sila’y tunay na lingkod-bayan. Hindi sapat ang mga salita—ang gawa ang sukatan. 3. Malinaw na Plataporma Ang mabuting kandidato ay may konkretong plano, hindi lamang mga paandar na salita. Ano ba talaga ang layunin nila? Dapat alam ng kandidato kung paano nila isasakatuparan ang kanilang mga pangarap para sa bayan. Hindi lang ito tungkol sa pangako, kundi sa malinaw na direksyon. 4. Kakayahan Tingnan ang kanilang kwalipikasyon, galing sa pamumuno, at husay sa paggawa ng matalinong desisyon lalo na sa pan...

Mahahalagang Petsa sa Halalan 2025

Image
Paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) October 1 to 8, 2024 Panahon kung kailan maaaring magsumite ang mga nais tumakbo sa halalan ng kanilang opisyal na kandidatura sa Commission on Elections (COMELEC). Paghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) October 1 to 8, 2024 Panahon ng pagsusumite ng nominasyon ng mga partido politikal para sa kanilang mga kandidato at ang pagtanggap ng nominasyon ng mga nominado. Simula ng election period at gun ban January 12, 2025 Pagsisimula ng opisyal na panahon ng halalan, kabilang ang pagpapatupad ng pagbabawal sa pagdadala ng armas at iba pang regulasyon para sa kapayapaan at kaayusan. Simula ng kampanya para sa mga kandidato sa pagka-Senador at mga party-list February 11, 2025 Opisyal na panahon kung kailan maaaring mangampanya ang mga kandidato sa pagka-senador at mga party-list groups. Simula ng kampanya para sa mga kandidato sa House of Representatives at lokal na posisyon March 28, 2025 Panahon ng opisyal na pangangampanya p...

Ano Ang Pagboto at Bakit Dapat Maging Bahagi ng Pagboto Ang Mga Indibidwal

Image
Ang karapatang bumoto ay ang karapatang makilahok sa mga pampulitikang halalan—isang karapatang itinadhana ng Saligang Batas na nagbibigay sa bawat mamamayang Pilipino ng boses sa pagpili ng mga pinuno at sa paghubog ng mga patakaran ng bansa. Isa ito sa mga haligi ng demokrasya at isa sa pinakamakapangyarihang sandata natin bilang mga mamamayan. Pagboto   Ang pagboto ay isang pangunahing karapatang demokratiko at tungkuling pambayan na nagbibigay kapangyarihan sa mga mamamayan upang hubugin ang kinabukasan ng kanilang komunidad at bansa.  Sa pamamagitan ng pagboto, naipapahayag ng mga indibidwal ang kanilang boses, nakapipili ng mga lider, at nakaiimpluwensya sa mahahalagang desisyong may epekto sa buhay ng lahat —mula sa edukasyon, at serbisyong pangkalusugan, hanggang sa karapatan ng mga manggagawa at maging sa pambansang seguridad. Ngunit, bakit mahalagang bumoto? Mahalaga ang iyong boses. Bawat boto ay mahalaga. Bawat boto ay parte ng bilangan. Maaaring maging salik sa pa...

Ballot Pinoy 🐣

Image
Magandang Buhay! 🌅 Kami ang  Unang Pangkat ng kursong Living In The IT ERA, BSEd-English 1-1.  Sa darating na Halalan, handa na ba kayo bilugan ang inyong balota sa matalino at responsableng paraan?  Narito ang ballot_pinoy para maghandog sainyo ng gabay kung paano maging isang kritikal na botante ngayong papalapit na halalan.  Tandaan: BUMOTO NG TAMA AT BUMOTO NANG TAMA. #HALALAN2025 #Ballot_Pinoy