Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Araw ng Eleksyon
MGA DAPAT GAWIN:
- Magdala ng valid na government-issued ID para sa beripikasyon ng iyong pagkakakilanlan.
- Alamin nang maaga ang iyong precinct number at lugar ng pagboto.
- Ihanda ang listahan ng iyong mga napiling kandidato (kodigo ay pinapayagan basta’t pribado at hindi ipinapakita sa iba).
- Sundin nang maayos ang mga tagubilin sa pagshade ng balota — punuin ng itim ang bilog sa tabi ng pangalan ng kandidato.
- Bumoto nang maaga upang maiwasan ang siksikan at abala.
- Igalang ang mga guro, election officers, at kapwa botante.
- Maging mapagmatyag sa anumang kahina-hinalang kilos at i-report agad sa mga opisyal ng COMELEC.
- Maging mahinahon at maghintay ng maayos kung kinakailangan.
MGA HINDI DAPAT GAWIN:
- Magsuot o magdala ng campaign materials tulad ng T-shirt, sumbrero, o anupamang may mukha o pangalan ng kandidato.
- Kumuha ng larawan o video ng iyong balota o habang bumoboto.
- Mangampanya o pag-usapan ang mga kandidato sa loob ng voting center.
- Tumanggap ng pera, regalo, o pabor kapalit ng iyong boto — labag ito sa batas!
- Sirain o markahan ang balota maliban sa tamang pag-shade.
- Bumoto nang higit sa isang beses o gamitin ang pangalan ng ibang tao.
- Manggulo o magdulot ng abala sa presinto.
- Mataranta kung may problema — lumapit nang maayos sa mga election officer.

Comments
Post a Comment