Bumoto Ako at Hindi Ako Nagsisisi
Lumabas ako ng presinto na may tinta sa daliri—simpleng marka, pero sinisimbolo nito ng aking pagmamahal at paninindigan sa Inang Bayan. Tahimik akong ngumiti habang naglalakad palabas ng presinto. Hindi dahil sigurado akong mananalo ang mga ibinoto ko, kundi dahil alam kong ginawa ko ang tama at nararapat. Bumoto ako nang may malinis na konsensya. Hindi ako nadala sa sayaw, sa jingle, o sa pangakong walang laman. Kinilala ko, kinilatis, at inalam ko ang bawat plataporma. Tinimbang ko kung makatutulong ba sila o makasasama, kung may nagawa ba o wala. Hindi ko pinili ang madaling paraan, kundi ang magmasid at mag-isip ng mas malalim. Alam ko na sa bawat hakbang, hindi lang ang mga salita ang dapat pakinggan, kundi ang mga konkretong aksyon at mga resulta. Bumoto ako para sa kinabukasan, hindi lamang para sa aking sarili kundi para rin sa kanila. Ang boto ko ay para sa mga kabataang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral, sa mga magsasakang inagawan ng lupa na pamana pa ng kanilan...